Rehab center problema sa Pampanga matapos umabot sa 26,000 ang sumukong drug offenders
Umabot na sa 26,000 ang kabuang bilang ng sumukong drug offenders sa lalawigan ng Pampanga.
Ayon kay Police Chief Supt. Aaron Aquino, hepe ng Police Regional Office 3, ngayong araw ang may pinakamaraming bilang na sumuko, matapos dalhin sa Pampanga Sports Complex ng mga lokal na pamahalaan sa lalawigan ang mga drug offenders mula sa labingsiyam na bayan at dalawang lungsod.
Umabot sa 9,200 na self-confessed users at pushers ang dinala sa sports complex ngayong umaga matapos sumuko sa mga opisyal ng barangay.
Dahil sa dami ng nagsisisuko, aminado si Aquino na problemado sila kung paanong maipapa-rehab ang mga ito.
Balewala din kasi aniya ang pagsuko ng mga ito kung hindi sila maisasailalim sa kumpletong proseso ng rehabilitation.
Sa ngayon, mayroon lamang tatlong rehabilitation centers sa Pampanga na pawang mga pribado pa at kakailanganin ng P30,000 hanggang P60,000 na pondo para sa bawat isang ipapa-rehab.
Ang mga sumukong drug offenders ngayong araw ay pinag-zumba, kinuhanan ng profile at pinanumpa bago pauwiin sa kani-kanilang mga bahay.
Sila ay sasailaim sa monitoring ng mga opisyal ng barangay at sisikapin ding mapagkalooban ng ikabubuhay para hindi na bumalik pa sa illegal na aktibidad.
WATCH: 9,000 drug offenders sumuko sa Pampanga,panunumpain at kukunan ng profile sa SportsComplex | Jun Corona-DZIQ pic.twitter.com/1oiSKhgz6w
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) July 21, 2016
WATCH: Sitwasyon sa Sports Complex sa Pampanga, 9,200 drug offenders, sumuko | JUN CORONA-DZIQ pic.twitter.com/6BJ59PzFW4
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) July 21, 2016
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.