20-30 taon na kulong, ipapataw sa mga carnappers

By Jay Dones July 21, 2016 - 04:40 AM

 

handcuffsMas hahaba na ang mga sentensyang tatanggapin ng mga mapapatunayang guilty sa mga kaso ng carnapping.

Ito’y matapos na maging isang ganap nang batas ang bagong Anti-Carnapping Act.

Ayon kay Sen. Grace Poe, na may-akda ng bagong batas, dahil sa hindi inaksyunan ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang panukala nang ito ay iakyat sa Malacañang sa loob ng 20 araw, otomatikong naging batas ang naturang panukala.

Sa ilalim aniya ng bagong batas, maaring maharap sa 20 hanggang 30 taong pagkakabilanggo ang mga mapapatawan ng hatol ng hukuman sa mga kaso ng carnapping.

Dati aniya, nasa 14 hanggang 17 taon lamang ang pinakamabigat na hatol sa mga carnappers.

Noong nakaraang taon, umabot sa 10,039 ang bilang ng carnapping sa bansa.

Mas mataas ito ng halos doble kumpara noong taong 2014.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.