84 na nasawi sa Nice attack, kinilala na lahat

By Kabie Aenlle July 21, 2016 - 04:27 AM

 

Reuters Photo
Reuters Photo

Natukoy na ng mga otoridad sa France ang pagkakakilanlan ng lahat ng 84 na biktima ng pag-araro ng isang truck sa mga nagdiriwang ng Bastille Day sa Nice.

Gayunman, wala pang inilalabas na opisyal na listahan ng mga nasawi sa pag-atake, pero napag-alaman na ang mga biktima ay pawang mga French, Americans, Germans, Ukrainians, Swiss, Tunisians, Polish at isang Russian.

Ilan sa mga nasawi ay dead on the spot habang ang iba ay sa ospital na namatay.

Hindi pa naman tumataas ang bilang ng mga nasawi sa kabila ng marami pang bilang ng mga kritikal ang kondisyon habang nasa ospital.

Samantala, pinaboran rin ng National Assembly ng France ang pagpapahaba ng hanggang sa anim na buwan ang state of emergency sa France, na nakataas na mula pa noong November 13 Paris attacks.

Bagaman kailangan pa ng pag-apruba ng French senate, inaasahan namang papaburan rin ito at agad ring maisasakatuparan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.