Limang katao ang patay nang bumagsak ang sinasakyan nilang seaplane na bumagsak sa isang highway birdge sa labas ng Shanghai, araw ng Miyerkules.
Sakay ng Cessna 208B ng Joy Air General Air ang walong pasahero at dalawang crew members sa inaugural o kauna-unahang flight nito.
Dinala naman ang limang iba pang sakay ng eroplano sa ospital upang mabigyan ng lunas.
Nag-take off ang nasabing seaplane mula sa Jinshan district ng Shanghai at patungo sa Zhoushan islands na 75 kilometro ang layo.
Tumanggi munang magbigay ng impormasyon ang mga nasa opisina ng Joy Air na pinakamalaking seaplane operator ng China, dahil ang lahat anila ng mga opisyal nila ay tumungo sa crash site.
Iniimbestigahan pa ang sanhi ng pag-crash ng nasabing eroplano, at hindi pa rin naglalabas ang kumpanya ng kanilang opisyal na pahayag kaugnay ng aksidente.