Cabinet Secretary umeepal sa Senate presidency-Wackly Leaks ni Den Macaranas

July 21, 2016 - 12:43 AM

 

den-macaranas1Kitang-kita ang kamay ng isang cabinet member sa gapangan para sa pagpili ng susunod na Senate president.

Sinabi ng ating Cricket na hindi pa dapat magpaka-kampante si Sen. Koko Pimentel dahil unti-unting nakakakuha ng numero si Sen. Alan Cayetan sa hanay ng mga kapwa nila senador.

Paliwanag ng ating Cricket, matindi ang pag-gapang na ginagawa ni Mr. Secretary na kilalang malapit kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Simple lang naman, kung ayaw ni Digong na maging Senate president si Cayetano dapat ay pinigil na niya ang ginagawa ni Mr. Cabinet Secretary.

Ito’y nangangahulugan na mas gusto ni Duterte na maging lider ng Senado si Cayetano kesa kay Pimentel.

Bakit nga naman hindi, ayon sa ating Cricket ay mas namuhunan ng panahon at batikos ng mga bashers si Alan kumpara kay Koko.

Mas marami silang pinagsamahan kesa sa pinuno ng PDP-Laban.

Kailangan ay umabot sa labing-tatlong pirma para matiyak ang panalo ng susunod na Senate President.

Si Cayetano ay may labing-isa na ayon sa ating Cricket at yung natitirang dalawa pa ay tatrabahuhin daw ni Mr. Secretary.

Sa mga nakalipas na araw ay kita na ang panalo ni Koko pero dahil sa pakikialam ng kalihim ay biglang naging malabo ang lahat para sa Mindanaoan legislature.

Wala naman daw siyang magagawa dahil mahusay daw kumamada ng pakikisama ang kanyang kalaban sa posisyon.

Ang cabinet secretary na umano’y tahimik na gumagapang para hindi maipwesto sa Senate Presidency si Pimentel ay si Sec. S….as in Sunshine.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.