Pondo ng PCSO, hindi na dapat pakialaman ng pangulo

By Jan Escosio July 21, 2016 - 04:34 AM

 

Ralph-Recto-0530-660x371Nais ni Sen. Ralph Recto na 100 porsiyento mapunta sa mga programang pangkalusugan ang charity fund ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Aniya, sa ganitong paraan wala nang PCSO fund ang mahahawakan ng pangulo ng bansa at hindi na mauulit ang kasong kinasasangkutan ni dating Pangulong Gloria Arroyo.

Giit ni Recto ibuhos ang PCSO charity fund sa pagbili ng mga gamot at pagsasaayos ng mga ospital at ng mga health care facilities.

Sinabi pa ng senador kung ang naturang pondo ay mailalaan na sa partikular na programa mawawala ang tukso na galawin pa ito para sa ibang bagay.

Nakasaad sa batas, 55% ng kita ng PCSO ay nakalaan para sa premyo, 15% sa mga operasyon ng ahensiya at ang natitirang 30% ay ang charity fund, na ang paggamit ay kailangan aprubado ng Malacañang.

Sa kanyang panukala, dagdag pa ng senador, maaring matigil na ang pagpila ng mga nais makahingi ng tulong mula sa charity fund.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.