CHATTANOOGA, Tennessee – Apat na Marines ang patay matapos mamaril ang isang beinte-kwatro anyos na gunman sa magkahiwalay na US military center sa Tennessee.
Kinilala ang suspek na si Mohammod Youssuf Abdulazeez na napatay din ng mga rumespondeng otoridad. Habang mayroon tatlong sugatan na kinabibilangan ng isang pulis, isang Marine Corps at isang Navy sailor. “It is incomprehensible to see what happened and the way that individuals who proudly serve our country were treated,” ayon kay Chattanooga Mayor Andy Berke.
Ayon kay US Federal prosecutor sa Tennessee Bill Killian, maituturing na “act of domestic terrorism” ang insidente.
Kinumpirma ng Marine Corps na patay ang apat na biktima matapos ang pamamaril ng suspek sa Navy at Marine Corps Reserve Center.
Magugunitang noong 2013, isang suspek din ang umatake sa Navy Yard sa Washington kung saan labingdalawa ang nasawi./ Dona Dominguez-Cargullo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.