3 day processing sa labor offices ipinag-utos

 

Ipinag-utos ni Labor Sec. Silvestre Bello III na dapat matapos sa loob ng tatlong araw ang pag-proseso ng lahat ng transaksyon sa kagawaran.

Sinabi ni Bello ayon ito sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na maputol ang red tape sa lahat ng opisina ng gobyerno.

Saklaw ng utos na ito ni Bello ang mga kawanihan na nasa ilalim ng kanyang tanggapan, kanilang services, attached agencies at regional offices.

Nais din ni Bello na magsumite ng action plans ang lahat ng kanilang opisina para lubos pang mapaganda ang kanilang serbisyo.

Read more...