Trust rating ni Pangulong Duterte, record-breaking-Pulse Asia
Si Pangulong Rodrigo Duterte na ang itinuturing na pinaka-pinagkakatiwalaang pangulo ng mga Pilipino.
Ito ay makaraang makakuha si Duterte ng 91 percent na trust rating base sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.
Halos wala namang hindi nagti-tiwala kay Duterte, dahil nakatanggap lamang siya ng “small or no trust” rating sa 0.02 percent.
Mayroon namang 8 percent sa mga respondents ang nagsabing hindi sila tiyak kung pagkakatiwalaan nila ang pangulo.
Ayon sa datos ng Pulse Asia, si dating Pangulong Aquino III ang huling public official na nakatanggap ng pinakamataas na trust rating nang magsimula siya sa termino noong July 2010, sa 85 percent.
Nalaktawan na ito ni Duterte sa kaniyang 91 percent na pinakamataas na trust rating na nakuha ng kahit na sino mula nang umpisahan ng Pulse Asia ang kanilang trust surveys noong 1999.
Samantala si Vice President Leni Robredo naman ay nakatanggap ng 62 percent na trust rating, habang si Chief Justice Maria Lourdes Sereno ay nakatanggap ng 35 percent.
Isinagawa ang survey mula July 2 hanggang 8 sa 1,200 adult respondents sa buong bansa na may +/- 3 percent na margin of error.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.