1st SONA ni Duterte hindi dadaluhan ni Aquino

By Den Macaranas, Isa Avendaño-Umali July 20, 2016 - 07:36 PM

Duterte-Aquino
Inquirer file photo

Hindi dadalo sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes si dating Pangulong Noynoy Aquino.

Ipinaliwanag ni House Deputy Secretary General Artemio Adaza na pinadalhan nila ng imbitasyon ang lahat ng mga naging pangulo ng bansa pero tanging si Aquino lamang ang sumagot at nagsabing hindi makadadalo sa SONA.

Hindi naman ipinaliwanag ng dating lider ang dahilan ng hindi niya pagdalo sa nasabing event kung saan ay inaasahan na makakatabi sana niya sa gallery ng Batasan Complex si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Samantala, sa una at simpleng SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte, simple lamang din ang pagkaing ihahain.

Ayon kay Adaza, wala nang steaks na makakain ang mga bisita tulad ng mga nakaraang SONA.

Sa halip, saging o maruya lamang at sandwiches na may kesong puti ang handa.

Kinumpirma ni Adaza na ibinaba sa dalawang daang libong piso ang budget para sa pagkain na sadyang mababa kumpara sa SONA ng mga nakalipas na Presidente.

Dati kasi ay kumukuha pa ng catering service ang Kamara pa na pinopondohan ng malaking halaga.

Sinabi pa ni Adaza na si Bayang Barrios ang aawit ng Lupang Hinirang.

Ani Adaza, nasa tatlong libong imbitasyon ang ipinamahagi na para sa mga bisita at iba pang VIPs.

Kanina naman, muling bumalik sa Batasan Complex si Director Brillante Mendoza upang i-check ang setup.

Nagkaroon ng rehearsal sa loob ng session hall partikular sa podium kung saan mag-uulat sa bayan si Pangulong Duterte.

Samantala, kahit may mga panukala na huwag nang ilatag ang red carpet, inilagay pa rin ito partikular sa North Wing kung saan karaniwang dumaan ang mga bisita.

TAGS: Aquino, batasan, duterte, SONA, Aquino, batasan, duterte, SONA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.