Patuloy na pag-init ng mundo ibinabala ng mga eksperto

By Den Macaranas July 20, 2016 - 03:26 PM

NOAA heat
NOAA

Isinapubliko na ng National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA) ang resulta ng kanilang pag-aaral kaugnay sa patuloy na pag-init ng temperatura sa mundo.

Ayon sa NOAA, patuloy ang pagtaas ng earth temperature sa nakalipas na labing-apat na buwan dahil sa strong El Niño na naranasan ng daigdig sa nakalipas na taong 2015.

Tumaas ng 1.3 degrees celcius sa kabuuan ang temperature sa buong mundo mula noong 1880.

Napansin din ng mga weather experts na nabawasan ng halos ay 40-percent ang yelo sa Arctic Sea sa nakalipas na tatlumpung taon.

Sinabi ni NOAA Space Studies Dir. Gavin Schmidt na pinaka-apektado ang pagtaas ng earth temperature sa nakalipas na mga buwan ang United Kingdom, Hongkong at Spain.

Samanantalang naitala naman sa New Zealand ang pinakamataas na antas ng temperatura sa pagitan ng January at June ng kasalukuyang taon.

Isinisisi ang pag-init ng mundo sa pag-gamit ng fossil fuels at grabeng pollutants sa himpapawid.

TAGS: arctic sea, El Niño, NOAA, arctic sea, El Niño, NOAA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.