2 patay, Zambales Mayor sugatan sa vehicular accident

By Den Macaranas July 20, 2016 - 03:22 PM

zambales-mayor-620x465
Inquirer Central Luzon

Dalawa ang patay samantalang sugatan ang mayor ng bayan ng San Marcelino sa naganap na banggaan ng dalawang sasakyan sa Subic Zambales.

Sa paunang imbestigasyon ni PO3 Felix Laron ng Subic Police station, pasado alas-tres ng madaling araw kanina ng salpukin ng isang Daewoo passenger bus ang kulay itim na pick-up truck ni San Marcelino Mayor Elvis Soria, 52-anyos.

Bigla umanong sinalubong ng bus ang sasakyan ni Soria sa kahabaan ng National Road sa Brgy. Pamatawan Subic.

Dead-on-the-spot ang driver ni Soria na si Arlan Pascasio samantalang namatay naman sa ospital ang kanyang security aide na si Manuel Rodriguez.

Nahuli ng mga pulis ang lasing na driver ng bus na kinilalang si Noly Ebidag Jr.

Aminado ang bus driver na nawalan siya ng control sa pagmamaneho dahil sa sobrang bilis ng kanyang bus.

Kasalukuyang nasa Intensive Care Unit ng Baypointe Hospital and Medical Center sa Subic Bay Freeport si Soria.

Ang driver ng bus na si Ebidag ay nahaharap naman sa mga kasong multiple homicide, serious physical injuries and damage to property.

TAGS: san marcelino, soria, Subic, zambales, san marcelino, soria, Subic, zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.