CGMA hindi pa dapat magdiwang ayon sa Ombudsman

By Jan Escosio July 20, 2016 - 03:16 PM

conchita-carpio-morales
Inquirer file photo

Kung ikukumpara sa sugal ang kaso ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, sinabi ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na may may hirit pa sila.

Ngunit tumanggi si Morales na ibahagi ang susunod nilang hakbang sa katuwiran niya na hindi nila ilalatag sa mesa ang kanilang mga baraha para makadiskarte ang kanilang mga kalaban.

Nilinaw din ni morales na isa lang sa kanilang mga option at ito ang ang paghahain ng motion for reconsideration.

Naninindigan ito na malakas ang mga nakalap nilang ebidensiya at testimoniya para madiin si Arroyo sa ilegal na paggamit ng intelligence fund ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ipinagmalaki pa ng Ombudsman na meron silang isa pang kaso ng plunder na ikinakasa laban kay CGMA at malapit na itong isalang sa preliminary investigation.

TAGS: GMA, morelaes, ombudmsn, plunder, GMA, morelaes, ombudmsn, plunder

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.