Mawawalan ng kuryente ang bahagi ng Taft Avenue sa Maynila at ang bahagi ng Katipunan Avenue sa Quezon City mamayang gabi (July 20) at bukas ng madaling araw (July 21).
Batay sa abiso ng Meralco, magaganap ang power interruption sa pagitan ng alas 11:30 hanggang alas 11:59 ng gabi ng Miyerkules at alas 4:00 ng madaling araw hanggang alas 4:30 ng madaling araw ng Huwebes.
Apektado ng interruption ang kahabaan ng Taft Avenue northbound lane mula sa Pres. Quirino Avenue hanggang General Malvar St.
Gayundin ang kahabaan ng Nakpil St. mula sa Taft Avenue hanggang sa San Marcelino Street at San Pedro Street sa Malate.
Sa pagitan naman ng alas 11:30 ng Miyerkules ng gabi at alas 4:30 ng madaling araw ng Huwebes mawawalan ng kuryente ang southbound lane ng Taft Avenue malapit sa Pedro Gil Street.
Ayon sa Meralco, maglilipat sila ng linya ng kuryente sa Julio Nakpil Street kanto ng Taft Avenue sa Malate, Maynila.
Samantala sa Quezon City, nakatakda din ang power interruption sa pagitan naman ng alas 11:30 ng Miyerkules ng gabi at alas 4:30 ng madaling araw ng Huwebes.
Apektado ang bahagi ng J.P. Rizal at Castro Streets mula sa Aguado Street hanggang sa Katipunan Avenue sa Barangay Blue Ridge A.
Gayundin ang bahagi ng Katipunan Avenue mula sa Castro St. hanggang sa Col. Bonny Serrano Avenue kabilang ang Highland Drive, Hillside Drive, Crestline at Rajah Matanda Streets sa Barangay Blue Ridge A.
Ayon sa Meralco, magpapalit sila ng nabubulok nang mga poste ng kuryente at maglalagay ng dagdag na lightning protection devices sa kahabaan ng Katipunan Avenue.