Panalangin at paghingi ng kapatawaran sa Eid Mubarak

golden mosque quiapo ruel
Kuha ni Ruel Perez

Maagang nagtipon-tipon ang mga Muslim sa Golden Mosque sa Quiapo sa Maynila ngayong huling araw ng Ramadan o pagdiriwang ng Eid’l Fit’r.

Alas 7:00 ng umaga kanina ang “final prayer” o Takbir Mursal na itinuturing na pag-aalay ng pinakamataas na pagpapapuri kay sa Diyos at pagbibigay galang din sa Propeta Mohammad.

Ayon kay Manila Golden Mosque Administrator Ustadz Hajji Mohammad Ersad Malli, sinundan ng salu-salo ang nasabing pagdarasal. Kasama rin sa pagdiriwang ang tradisyunal na “family visit” kung saan magkakaroon ng paghingi ng kapatawaran sa mga nakatatandang miyembro ng pamilya. “Tao lang tayo, nagkakaroon ng mga kasalan sa kapwa natin, sa magulang natin sa kapatiran natin, so parang forgive and forget, humihingi ng mga forgiveness sa mga nakakatanda. We would like to greet muslim all over the world, Happy Eid ul Fitr, eid Mubarak and peace be upon all of us,” sinabi ni Ustadz Malli

Kuha ni Ruel Perez

Bilang bahagi ng pagdiriwang sa pagtatapos ng Ramadan, iba’t-ibang putahe at pagkain ang pinagsalu-saluhan ng mga Muslim sa Golden Mosque sa Quiapo.

Kani-kaniyang handa ng mga native na pagkain ang bawat pamilya, na pinagsalu-saluhan ng lahat.

Ang handing pagkain ay depende sa pamilya pinagmulan at sa tribo o ethnic group sa Muslim Mindanao.

Ayon kay Malli, para sa kagaya niya na isang Tausug, ang handa ng kanilang pamilya ay “tiyula itum”na niluto gamit ang kahoy na panggatong at may sinunog na niyog na inihahalo sa sabaw nito upang magkulay itim./ Ruel Perez, Gina Salcedo

Read more...