Mike Arroyo, masaya at makakalaya na si CGMA

By Kabie Aenlle July 20, 2016 - 04:36 AM

 

Inquirer file photo

Nagpapasalamat sa Diyos si dating First Gentleman Mike Arroyo dahil inabswelto na ng Supreme Court ang kaniyang asawa na si dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa kasong plunder laban sa kaniya.

Ayon kay Mike Arroyo, sinayang nito ang anim na taon ng buhay ng kaniyang misis gayong inosente naman ito sa kasong isinampa laban sa kaniya.

Pinasalamatan rin ng dating first gentleman ang kanilang mga kaanak at mga kaibigan na patuloy na naniwalang inosente si CGMA sa kabila ng mga pagsubok na dala ng paninira sa kaniyang reputasyon.

Samantala, dismayado naman si Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa desisyon ng Korte Suprema at sinisi ang administrasyong Aquino dahil dito.

Aniya, hindi kasi napagtibay ng nagdaang administrasyon ang kasong isinampa laban sa kay Arroyo.

Nakuntento lang aniya ang mga ito na maging “politically paralyzed” lang ang kongresista sa loob ng anim na taon, sa halip na igiit na siya ay ipakulong.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.