Nagsimula nang magbantay sa National Bilibid Prison (NBP) ang ilang mga Special Action Force (SAF) commandos ng Philippine National Police (PNP).
Una nang sinabi ni PNP chief Director General Ronald dela Rosa na balak niyang magpadala ng isang batalyon o nasa limang daang tauhan ng SAF sa Bilibid.
Wala namang nakikitang problema dito si NBP chaplain Monsignor Robreto Olaguer kung makakadagdag naman ito sa seguridad ng Bilibid.
Ito’y alinsunod na rin sa hiling ng Department of Justice (DOJ) na mabantayan ng mga SAF ang Bilibid upang mabawasan na ang mga iligal na aktibidad sa loob ng preso.
Ngunit ayon kay Dela Rosa, uunti-untiin muna ito at 100 lang muna ang kaniyang ipapadala doon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.