‘Timing’ ng pag-abswelto kay CGMA, kinwestyon ng ilang senador

By Jan Escosio, Kabie Aenlle July 20, 2016 - 03:23 AM

 

GMA-0719Tumanggi munang mag-komento ni dating Pangulong Benigno Aquino III sa desisyon ng Supreme Court sa kasong plunder laban kay Cong. Gloria Arroyo.

Ayon kay dating presidential spokesperson Abigail Valte, hindi muna sila maglalabas ng komento hangga’t hindi pa nila nababasa ang kabuuan ng nasabing desisyon na nag-abswelto kay Arroyo sa kaso laban sa kaniya.

Bagaman walang inilabas na komento si Aquino, samu’t saring reaksyon naman ang inilabas ng mga senador tungkol dito.

Maigsi lang ang naging reaksyon ni Sen Antonio Trillanes IV tungkol dito, at sinabing ang pagpapalaya kay Arroyo ang isa sa mga ipinangako sa kampaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Mistula aniyang hindi na nahirapan si Pangulong Duterte na tuparin ang pangakong ito, sa kabila ng pagka-dismaya ng nakararami.

Gayunman, kumpiyansa aniya siya na susuriin ng Office of the Ombudsman ang desisyon na ito ng Supreme Court.

Ayon naman kay Sen. Joel Villanueva, kailangan irespeto ang rule of law at ang proseso sa sistema ng hustisya sa bansa

Irereserba na lang niya muna ang iba pa niyang komento oras na mabasa na niya nang buo ang desisyon.

Samantala para naman kay Sen. Leila de Lima, hindi na siya lubos na nagulat sa nasabing desisyon ng Korte Suprema sa dating pangulo.

Inasahan na niya kasi ang paborableng desisyon nang payagan ng Korte Suprema na makapagpiyansa si dating Sen. Juan Ponce Enrile sa kasong plunder base sa lagay ng kalusugan ng dating senador.

Sa kabila nito sinabi ni De Lima na dismayado pa rin siya, sabay banggit sa pagbasura sa mga mosyon ni Arroyo na makapag-piyansa at sa kanyang mga petisyon na mabalewala ang mga ebidensiya laban sa kanya kaugany sa kasong may kinalaman sa pondo ng PCSO.

Kinuwestiyon din ni De Lima ang timing ng pagpapalabas ng desisyon ng korte suprema at ang tanong niya, bakit hinintay pa ang pagpapalit ng administrasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.