CGMA, nagpasalamat sa pagpabor sa kanya ng Korte Suprema

By Isa Avendaño-Umali July 19, 2016 - 08:29 PM

ArroyoPinasalamatan ni dating Presidente at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Arroyo si Pangulong Rodrigo Duterte at ang Korte Suprema sa hindi umano pagharang at pagkakait ng hustisya sa kanyang kaso.

Ito ay matapos ibasura ng Supreme Court ang plunder case ni CGMA kaugnay sa maling paggamit ng 366 Million Intel funds ng PCSO.

Sa statement ni Arroyo, ikinalulugod niya ang mga mahistrado ng SC dahil sa wakas aniya ay natapos na ang persecution na kanyang naranasan sa ilalim ng Aquino administration.

Lubos din ang pasasalamat ni Arroyo sa kanyang supporters na walang sawang nagdasal at nagbigay ng moral support para sa kanyang paglaya.

Hinikayat ni Arroyo ang publiko na panatilihin ang tiwala sa justice system ng bansa.

Ayon kay CGMA, sa paborableng desisyon sa kanya ng Korte Suprema, umaasa siya na wala nang susunod matutulad sa kanyang sitwasyon na napagkaitan ng due process.

Anim na taon din umano siyang naghirap dahil sa pagkakait ng katotohanan sa mga kasong isinampa sa kanya.

Umapela naman si CGMA sa mga kritiko na irespeto ang SC final decision na ito sa kanyang kaso.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.