5 Malaysian nationals, dinukot sa seawater ng Sabah at Tawi-Tawi

Sabah Tawi Tawi
Inquirer file photo

Limang Malaysian nationals ang dinukot sa bisinidad ng seawater ng Lahad Datu, Sabah, Malaysia at Tawi-Tawi.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Jesus Dureza na ito ay sina Abdurahim Bin Summas, Tayudin Anjut, Mohammad Ridzuan Bin Ismael, Mohammad Jumadil Bin Rahim at Fandy Bin Bakran.

Sakay ang limang Malaysian crew ng Tawau Sabah base tugboat, T/B Serudong 3 at barge na Serudong 4 nang dukutin ang mga biktima.

Galing ng Sandakan at patungo sana ng Semporna ang mga biktima nang mapansin ng Malaysian authorities na wala nang sakay ang bangka.

Ayon kay Dureza, nakita ang bangka ng mga biktima na wala ng sakay kahapon sa ng alas kwatro ng hapon.

Inaalam na aniya ngayon ng mga awtoridad kung anong grupo ang nasa likod ng panibagong kidnapping.

Read more...