Anti-Balik Pwesto bill, inihain sa Kamara

By Isa Avendaño-Umali July 19, 2016 - 12:54 PM

congress (1)Ang mga senador na tatakbo sa mas mataas na posisyon sa gitna ng kanilang incumbency ay hindi na makakabalik sa Mataas na Kapulungan.

Iyan ay kung magiging ganap na batas ang House Bill no. 1349 ni Albay Rep. Edcel Lagman.

Sa ilalim ng panukala na tinatawag ding ‘Anti-Balik Pwesto’, otomatikong resigned na sa posisyon ang lahat ng elective officials kapag naghain ng certificate of candidacy o COC sa kasagsagan ng kanilang term of office.

Excepted naman dito ang mga nahalal o naitalaga sa permanent capacity sa pamahalaan.

Puna ni Lagman, masyado nang na-eenjoy ng mga senador at ilang barangay officials ang balik-pwesto, lalo kung bigo silang manalo sa eleksyon.

Sinisi ng beteranong kongresista ang Fair Election Act or Republic Act No. 9006 na nag-amyenda sa Section 67 ng Omnibus Election Code na nagtatakda ng ‘ipso facto resignation’ ng elective officials kapag naghain na ng COC para sa ibang posisyon.

Ani pa Lagman, ang naturang praktis ay labag sa equal protection clause dahil isang grupo lamang ng elected officials ang nagbebenepisyo.

Dagdag nito, isa sa demands umano ng ethics sa larangan ng politika, lalo na para sa incumbent na kakandidato sa ibang posisyon, ay pagsasakripisyo sa kanilang naunang pwesto.

Giit din ni Lagman, dapat ituring na pag-abandona sa posisyon kapag tatakbo sa ibang pwesto sa isang incumbent na kandidato.

Higit sa lahat, ang aniya’y unethical practice ng balik-pwesto ay parang kahihiyan sa para sa tunay na layon sana ng fair elections.

 

TAGS: Anti-Balik pwesto bill, Anti-Balik pwesto bill

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.