6 na estudyanteng nalason sa macapuno candy, nasa ICU pa

July 17, 2015 - 07:13 AM

Juan Sumulong students
Kuha ni Jong Manlapaz

Anim na estudyante ng Juan Sumulong High School Sa Cubao Quezon City ang nananatili sa Intensive Care Unit (ICU) ng Quirino Memorial Medical Center.

Ito ay matapos silang dumaing ng pananakit ng tyan at pagsusuka nang kumain ng macapuno na kanilang binili lamang sa isang tindero.

Ayon kay Cubao Police Chief Supt. Marlou Martinez, sa siyam na estudyante na dinala sa pagamitan, anim na ang nailipat sa ICU kagabi dahil sa lumalang kondisyon.

Ang mga esutudyanteng nalason ay pawing mga Grade 7 students. Binentahan umano sila ng macapuno candy ng isang lalaki na sa kanilang pagtaya ay nasa edad 20.

Ang sample ng kinain nilang macapuno ay naisumite na sa ospital para ipasura sa Food and Drug Administration (FDA).

Batay sa packaging ng candy na binili ng mga bata, ito ay gaw ang “Kaykenmark Sweets Special Candies” nan aka-base sa Calauan, Laguna.

Sinabi ng may-ari ng nasabing kumpanya na handa silang makipagtulungan sa mga otoridad at bukas din silang ipa-inspeksyon ang kanilang pabrika./ Erwin Aguilon

TAGS: juan sumulong high school, macapuno candy, Radyo Inquirer, juan sumulong high school, macapuno candy, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.