Hinikayat ng 16-anyos na biktima ng pang-aabuso sa Pasay City General Hospital ang ibang pasyenteng nakaranas din ng din parehong sitwasyon na huwag matakot na magreklamo.
Ayon sa menor de edad na si alyas “Dyesebel” naglakas loob siyang lumapit sa media at ibunyag ang kaniyang karanasan sa mga Duktor at Staff ng PCGH para hindi na ito maulit sa ibang pasyente.
“Sa ibang pasyente na nakaranas ng ganito, sana huwag silang matakot na magreklamo, huwag silang pumayag na gawin iyon sa kanila”, ayon kay “Dyesebel”
Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni “Dyesebel” na maliban sa pagpasak ng sanitary napkin sa kaniyang bibig, sinabihan din siya ng “malandi” ng isa sa mga staff ng pagamutan.
Kwento pa ni “Dyesebel” hindi naging madali ang sitwasyon niya sa Ospital, dahil nang siya ay dumating doon, dalawa silang pasyente na nag-share sa isang kama bago siya naipasok sa delivery room.
Dagdag pa ni “Dyesebel” hindi sila agad nabigyan ng clearance para makalabas ng ospital dahil nalaman ng pamunuan na nagreklamo na ipinarating na sa media ng nanay niya ang kaniyang sinapit.
Nang magtungo naman ang Radyo Inquirer sa bahagi ng delivery room ng Ospital, ang mga kaanak ng mga nanganganak na pasyente ay pinaghihintay sa hallway at nakasalampak lamang sa sahig./Donabelle Dominguez-Cargullo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.