Kahit bukas na ang main runway ng NAIA, ilang flights kanselado pa rin ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo July 19, 2016 - 06:55 AM

naia-042514Libo-libong pasahero ang naperwisyo kagabi matapos na kanselahin ang nasa 14 na flights at maraming iba pang biyahe ang na-divert at na-delay ang paglapag dahil isinara ang runway 06-24 ng Ninoy Aquino International Airport.

Ang nasabing runway na main runway ng paliparan ay isinara alas 4:00 ng hapon at alas 10:45 na ng gabi nang buksan.

Dahil dito halos pitong oras na walang nakalapag na eroplano sa NAIA at ang mga paalis ay hindi na rin nakalipad.

Sa Clark, dinivert ang mga eroplanong dumating at dahil sa dami ng nakansela at na-delay na flights kahapon apektado pa rin ang mga biyahe ngayong araw.

Ang Cebu Pacific nag-abiso nang kanselado ang apat na flights nila ngayong araw.

Kabilang dito ang flight 5J 590 Cebu to Manila, flight 5J 023 Doha to Manila at flight 5J 039 at 040 Manila-Sydney-Manila.

Pinapayuhan naman ng nasabing airline company ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang reservation hotlines (+632)702-0888 at (+6332)230-8888 para sa mga katanungan.

Para sa mga gustong magpa-rebook, maari ring magtungo sa mga sales office ng Cebu Pacific na matatagpuan sa NAIA Terminal 3 at 4, KidZania Manila sa BGCO Taguig, Robinsons Galleria, Robinsons Place Manila, Cebu Airport Ticket Office sa Mactan-Cebu International Airport at sa Robinsons Fuente sa Cebu City.

 

 

TAGS: cancelled flights, cancelled flights

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.