Lalaking armado ng itak, pinagtataga ang mga pasahero sa loob ng tren sa Germany

Wurzburg GermanyIsang 17-anyos na lalaking armado ng itak at kutsilyo ang bigla na lamang nagwala at nanaga ng mga pasahero sa loob ng bumibiyaheng tren sa Wurzburg, Germany.

Bumibiyahe ang tren sa pagitan ng Heidingsfeld at Ochsenfurt, sa central Germany nang maganap ang insidente.

Ayon sa Wurzburg police, apat ang tinamaan sa pananaksak ng suspek at tatlo sa mga ito ay nagtamo ng matinding pinsala habang ang isa ay nagtamo ng minor injuries.

Maliban sa mga nasaksak na pasahero, mayroon pang labing apat na dinala sa ospital para lapatan ng lunas dahil sa matinding trauma na kanilang dinanas.

Tinangka pa ng 17-anyos na Afghan suspek na tumakas pero napatay ito sa follow-up operation ng mga pulis.

Pansamantala namang kinansela ang biyahe ng tren.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na insidente pero posible umano na isa itong Islamic attack.

 

 

 

Read more...