Koneksyon ng mga Chinese sa iligal na droga, target alamin ni Duterte

By Kabie Aenlle July 19, 2016 - 05:04 AM

duterteBalak komprontahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamahalaan ng China kaugnay sa laganap na kalakalan ng iligal na droga dito sa Pilipinas.

Ayon sa pangulo, tatanungin niya ang China kung bakit ang mga Chinese na pumupunta sa bansa ay gumagamit ng iligal na droga kahit nasa loob pa ng kulungan.

Babala niya pa, oras na makausap niya talaga ng harapan ang mga opisyal ng China, ilalahad niya lahat ng kaniyang mga reklamo tungkol sa pagkakasangkot ng kanilang mga mamamayan sa bentahan ng iligal na droga.

Gayunman, sinabi ni Duterte na posibleng maipag-paliban muna ang komprontasyon na ito dahil mayroon pang mas malaking isyu.

Posibleng ang tinutukoy ng pangulo ay ang ruling ng Permanent Court of Arbitration sa isyu ng teritoryo sa South China Sea.

Pero tiniyak niya na gagawin niya ito sa tamang panahon at mag-oobserba muna sa ngayon.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay apat na Chinese ang naaresto sa mistulang floating shabu laboratory sa Subic, Zambales.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.