Jueteng lords, masarap pa ang buhay ngayong administrasyong Duterte

By Kabie Aenlle July 19, 2016 - 04:38 AM

 

Inquirer file photo

Wala pa muna sa mga balak ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayon na habulin ang mga jueteng lords at ang mga sindikato sa mga iligal na sugalan.

Ayon sa pangulo, inaasahan niya na oras na nabuwag ang mga sindikato sa droga, pupunta na rin ang mga ito sa sugalan.

Kaya sa ngayon aniya, mas nakatuon pa ang kaniyang pansin sa laban kontra iligal na droga para hindi rin mawala ang focus ng mga pulis.

Mababatid na ang mga nagdaang administrasyon ay ilang beses nang sumubok na buwagin rin ang mga sindikato sa jueteng, ngunit hindi ito napagtatagumpayan dahil sa pakikipagsabwatan ng mga tiwaling opisyal ng pamahalaan at pulisya sa mga sugarol.

Aminado naman ang pangulo na mayroon pa rin siyang kakaharaping problema sa pagpapatupad ng batas kahit na matupad niya ang pangakong pag-supil sa problema sa iligal na droga sa unang anim na buwan ng kaniyang administrasyon.

Pero ani Duterte, nakatitiyak siyang nalaman lang ng mga publiko kung gaano kalala ang problema sa iligal na droga nang buksan niya ang isyung ito sa kaniyang kampanya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.