PWDs, hinikayat na magparehistro para makaboto

SMHinihikayat ng Commission and Elections ang lahat ng mga may kapansanan o Persons With Disabilities o PWD na malikahok sa pagpaparehistro ngayong araw ng Biyernes, bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disability Prevention and Rehabilitation Week.

Nakipagtulungan ang Comelec sa National Council on Disability Affairs, Adia Foundation, SM Supermalls, at SM Cares upang bumuo ng mga satellite voter registration booths sa ilang piling malls sa buong bansa.

Uunahing asikasuhin sa nasabing booth ang mga kasapi ng PWDs at Senior Citizens.

Magaganap ngayong araw July 17, Biyernes ang pagpaparehistro, simula 10 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon mga piling mall tulad ng SM North Edsa, SM City San Lazaro, SM City Manila, SM Center Muntinlupa, SM City Marikina, SM Center Las Pinas, SM City Sucat, SM Aura Premier, SM Mall of Asia, SM City Baguio, SM City Bacolod, at SM Cebu City.

Isinusulong din ng SM Supermalls na magamit ang kanilang 52 malls sa buong bansa upang maging extension ng mga voting precincts, sa oras na matuloy ito.
Ayon kay Annie Garcia, SM Supermalls president, buo ang suporta ng SM supermalls sa Comelec para sa pagpapanatili ng kaayusan tuwing panahon ng eleksyon.

Dagdag pa niya na ang accessibility ng mga malls kasama pa ang mga PWD-friendly facilities ay patunay na maaaring magamit din bilang presinto tuwing botohan ang nasabing lugar.

Matatandaan noong 2013 Elections, apat na SM malls ang ginamit para sa mga Senior citizens at PWDs. /Stanley Gajete

Read more...