Paris Climate Change treaty ‘stupid’, ‘absurd’ – Duterte

By Jay Dones July 19, 2016 - 03:31 AM

 

duterte-0719 (1)Hindi kikilalanin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang makasaysayang Paris Agreement on Climate Change. Tinawag na ‘stupid’ at ‘absurd’ ni Pangulong Duterte ang naturang kasunduan na nilagdaan ng Pilipinas kasama na ang nasa 200 bansa noong nakaraang Disyembre sa Paris, France.

Giit ni Duterte, hindi makakatulong sa pag-asenso ng bansa ang naturang tratado.

Ipinaliwanag pa nito na ninais pa niyang ‘sipain’ ang hindi pinangalanang ambassador na nagpaalala sa kanya ukol sa Paris Treaty at nang sabihin nito kung kaya ng bansa na panatilihin ang mababang lebel ng ‘carbon footprints’ sa kasalukuyan.

Iginiit ni Duterte na lugi ang Pilipinas sa nais na mangyari ng tratado dahil ngayon pa naaabot ng bansa ang rurok ng ‘industrialization.

Aniya, ang mga bansang tulad ng France ay umasenso dahil sa walang pakundangang industrialization ngunit naging kapalit nito ang pagpapakalat ng mga contaminants sa hangin.

Hindi aniya magiging pantay kung pipigilin ang ‘industrialization’ ng Pilipinas samantalang ang iba na siyang pasimuno ng polusyon ay asensado na.

Hindi rin siya aniya ang lumagda sa naturang kasunduan kaya’t walang dahilan upang siya ay tumalima dito.

Ang Paris treaty ay naglalayong pagtulung-tulungan ng mga bansa na pigilin ang epekto ng global warming sa pamamagitan ng pagbabawas ng polusyon na nagreresulta ng pagtaas ng temperature ng mundo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.