Allowance ng mga atletang Pinoy na kasali sa Rio Olympics, dinagdagan ni Pangulong Duterte

PH Team Rio
Kuha ni Chona Yu

Tiniriple ng Pangulong Rodrigo Duterte ang allowance ng mga atleta at coaches na magtutungo sa Rio de Janeiro para sa gaganaping 2016 Olympics.

Mula sa isang libong dolyar na allowance, itinaas ng Pangulong Duterte sa tatlong libong dolyar ang matatanggap ng mga atleta at coaches.

Mula sa tatlong libong dolyar, itinaas naman ni Duterte sa limang libong dolyar ang matatanggap ng mga opisyal ng Philippine Sports Commission.

Paliwanag ni Duterte, ito ay para tumaas ang morale ng mga atleta.

Pabiro pang sinabi ni Duterte na kukunin niya ang pandagdag allowance sa mga atleta, coaches at opisyal ng PSC sa sweldo ng mga Presidential Security Group.

Gaganapin ang Olympics sa Rio de Janeiro sa August 5 hanggang 21 kung saan labing dalawang atletang Filipino ang makikipaglaban.

Read more...