Listahan ng mga napapatay sa anti-illegal drugs operations, ipapaskil sa EDSA

By Ruel Perez July 18, 2016 - 01:47 PM

Kuha ni Jong Manlapaz
FILE PHOTO / Jong Manlapaz

Maglalagay na ng updated na listahan ang Philippine National Police ng mga napapatay na mga drug suspects na resulta ng maigting na kampanya ng pamahalaan laban sa illegal drugs.

Ayon kay acting PNP Police Community Relations Group Director Sr. Supt. Gilbert Cruz, plano nila na direkta nang mabigyan ng impormasyon ang publiko hinggil dito partikular ang mga motoristang dumaraan sa Camp Crame sa EDSA.

Ani Cruz, papalitan na nila ang kasalukuyang tarpaulin ng LED billboard kung saan, doon nila ipapakita ang opisyal na bilang ng mga namamatay na drug suspect, araw-araw.

Bukod sa mga naneu-neutralize, ipapakita din umano nila sa billboard kung ilan na ang naaarestong pusher at user ganundin ang bilang ng mga nagsisisukong indibidwal na sangkot sa illegal drugs.

Inaasahang maa-activate ang LED billboard ng PNP sa harapan ng Camp Crame sa EDSA, 45 araw mula ngayon.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.