Kamara, puspusan ang paghahanda para sa Duterte SONA

By Isa Avendaño-Umali July 18, 2016 - 01:16 PM

Kuha ni Isa Umali
Kuha ni Isa Umali

Tuluy-tuloy ang paghahanda ng Kamara para sa kauna-unahang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Duterte na gagawin sa July 25, 2016.Preparations Isa 5

Lunes ng umaga ay personal na nagtungo sa Batasan Complex sina Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar at award-winning Director Brillante Mendoza upang magsagawa ng ocular inspections, eksakto isang linggo bago ang ulat sa bayan ng Presidente.

Sina Andanar at Mendoza ay sinalubong ng anak ni incoming House Speaker Pantaleon Alvarez na si Paola Alvarez.

Kuha ni Isa Umali
Kuha ni Isa Umali

Nauna nang sinabi ng bagong speaker of the house na si Cong. Alvarez na simple lamang ang SONA ni Duterte, lalo’t isang simpleng tao lamang ang pangulo.

May mga panukala na rin sa Mababang Kapulungan na huwag nang ilagay ang ‘red carpet’ at iwasan na ang nakasanayang ‘fashion show’ tuwing SONA.

Si Mendoza ay siyang pro-bonong magdi-direk ng SONA ng Presidente.

Inaasahan naman na magpupulong ang Task Force SONA, upang plantsahin na ang security measures at iba pang kailangan para sa okasyon.

 


 

TAGS: Preparation for SONA, Preparation for SONA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.