Pangulong Aquino, kakausapin muli sina Mar, Grace at Chiz

July 17, 2015 - 06:27 AM

Inquirer file photos
Inquirer File Photo

May part 2 ang pulong ni Pangulong Benigno Aquino III kina Senators Grace Poe, Chiz Escudero at Department of Interior at Local Government (DILG) Sec. Mar Roxas sa Malakanyang.

Ito ay dahil sa wala pa ring napagkasunduan sa kung sino talaga ang magiging standard bearer ng administrasyon para sa 2016 elections matapos ang pulong noong Miyerkules ng gabina tumagal ng anim na oras.

Ayon kay Poe, magaganap ang part 2 ng pulong sa susunod na linggo o bago ang State of the Nation Address (SONA) ng pangulo sa July 27.

Kahapon, sinabi ni Pangulong Aquino na kung siya lamang sana ang masusunod mas gusto niyang nakabuo na ng desisyon matapos ang pulong noong Miyerkules ng gabi.

Ayon sa pangulo, umabot na siya sa puntong halos magdesisyon na siya pero kailangan pa umano niyang kausapin ang maraming sektor maliban sa Liberal party. Ipinahiwatig ng pangulo na malapit na siyang magpasya. “I think the best that I can say at this point, this minute, is I am closer to that point,” sinabi ng pangulo ng tanungin ng mga mamamahayag sa Camp Crame kahapon.

Ang mahalagang napatunayan sa katatapos na pulong ayon sa pangulo ay nakita niyang maraming pulitiko na puwedeng magpatuloy ng nasimulan ng kanyang administrasyon./ Philippine Daily Inquirer, Dona Dominguez-Cargullo

TAGS: 2nd meeting poe roxas chiz pnoy, Radyo Inquirer, 2nd meeting poe roxas chiz pnoy, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.