“No demolition without relocation” sa Duterte admin

PHOTO FROM RTVM
PHOTO FROM RTVM

Tiniyak ng Pangulong Rodrigo Duterte sa mga informal settler sa buong bansa na walang gagawing demolisyon ang pamahalaan hangga’t walang nakahandang relokasyon sa mga pamilyang maaapektuhan.

Sa Fellowship of Bedans batch 71-72 kasama ang nationwide legal coordinators na ginanap kagabi sa Heroes Hall Malacanan Palace, sinabi ng pangulo, na hindi siya papayag na sirain ang bahay ng isang pamilya nang wala silang tiyak na mapupuntahan.

“During my time and during my time, there will be no demolition ‘pag walang relocation. Hindi ako papayag. Kasi ‘yung walang mapuntahan, sirain mo ang bahay. Parang aso. E saan pupunta ‘yung mga tao? Where will they find another shelter?” ayon sa pangulo.

Ayon sa pangulo, maghahanap muna siya ng pera para ipang-pondo sa relokasyon ng mga mawawalan ng tahanan.

Kailangan aniyang maiaayos ang economic condition sa Pilipinas para maging kapaki-pakinabang sa lahat lalo na sa mga mahihirap.

“But I would be very generous to them. I’d look for money, ‘yung lahat na gusto nating gamitin. We will go for a suitable relocation and that is why itong mga bagong papasok, we have to build new industries. We have to create an activity, economics, or otherwise para may pupuntahan sila,” dagdag pa ni Pangulong Duterte.

 

Read more...