Kasabay nito ay inihatid ng Santo Papa ang kaniyang pakikiramay sa lahat ng mga naiwang mahal sa buhay ng mga nasawing buhay kabilang na ng ilang mga bata sa pag-araro ng isang truck sa mga nagdiriwang ng Bastille Day sa Nice, France.
Aniya, labis ang pagdadalamhati niya sa naganap na trahedya at ipinagdarasal niyang sana ay hilumin ng Panginoon ang sakit na naramdaman ng mga biktima at kanilang mga kapamilya.
Hiniling rin aniya niya sa Diyos na sana ay alisin na lahat ng mga plano ng terorismo at pagpatay para wala nang dugo ang dadanak pa mula sa mga inosenteng tao.
Hinikayat niya rin ang lahat ng mga dumalo sa misa niya sa pag-aalay ng silent prayer para sa 84 na nasawing biktima sa trahedya sa Nice.