Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, naisa-pinal na nila ang nasabing EO, at sisikapin nilang mapa-pirmahan na ito sa pangulo ngayong linggong ito.
Aniya, nasapawan kasi ng ilang malalaking kaganapan ang pag-lagda kasi sa EO para sa FOI, tulad na lamang ng paglabas ng ruling ng Permanent Court of Arbitration kaugnay sa isyu ng teritoryo sa South China Sea.
Tiniyak pa niya na maiging napag-aralan at nabusisi nina chief presidential legal counsel Salvador Panelo at Executive Secretary Salvador Medialdea ang nasabing dokumento.
Masasakop ng bisa ng nasabing Eo ang lahat ng mga ahensya ng pamahalaan na nasa ilalim ng ng executive department, pati na ang mga government-owned and controlled corporations.