EO para sa FOI, pirma na lang ni Duterte ang kulang

By Kabie Aenlle July 18, 2016 - 12:38 AM

FOIHanda na para malagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order (EO) para sa implementasyon ng Freedom of Information (FOI) act sa executive branch ng gobyerno.

Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, naisa-pinal na nila ang nasabing EO, at sisikapin nilang mapa-pirmahan na ito sa pangulo ngayong linggong ito.

Aniya, nasapawan kasi ng ilang malalaking kaganapan ang pag-lagda kasi sa EO para sa FOI, tulad na lamang ng paglabas ng ruling ng Permanent Court of Arbitration kaugnay sa isyu ng teritoryo sa South China Sea.

Tiniyak pa niya na maiging napag-aralan at nabusisi nina chief presidential legal counsel Salvador Panelo at Executive Secretary Salvador Medialdea ang nasabing dokumento.

Masasakop ng bisa ng nasabing Eo ang lahat ng mga ahensya ng pamahalaan na nasa ilalim ng ng executive department, pati na ang mga government-owned and controlled corporations.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.