42 milyong halaga ng pekeng DVDs, nakumpiska sa General Santos City

By Mariel Cruz July 17, 2016 - 03:52 PM

ombNakumpiska ng mga otoridad ang aabot sa 42 milyong pisong halaga ng mga pirated DVD at CD sa General Santos City.

Pinagsamang puwersa ng Optical Media Board (OMB) at regional Public Safety Battalion 12 ang nanguna sa pangungumpiska ng mga pekeng DVD at CD sa pampublikong palengke ng bayan.

Umabot sa tatlong daang sako ng iligal na paninda ang nasamsam ng mga otoridad.

Ayon kay OMB chairman Anselmo Adriano, maaari mapatawan ng kasong administratibo o kriminal ang mga nahuling nagbebenta ng mga piniratang palabas.

Paglabag aniya sa Republic Act 9239 o Optical Media Act of 2003 ang nasabing gawain.

Bukod dito, napag-alaman sa ikinasang operasyon ang bentahan ng pornographic movies sa nasabing pampublikong palengke.

Ang mga nakumpiskang kontrando ay nakatakdang dalhin sa Maynila at ang mga nahuling nagbebenta ng mga ito ay padadalhan ng subpoena.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.