QC Health Department, kumilos vs candy food poisoning

July 16, 2015 - 08:57 PM

Kuha ni Jong Manlapaz

Nagpakalat na ng surveillance team ang Quezon City Health Department kasama ang Department of Health sa iba pang mga ospital malapit sa Juan Sumulong National High School.

Ayon kay Dr. Verdades P. Linga , pinuno ng QC Health Department, nais nilang malaman kung may iba pang estudyante na nadala sa pagamutan dahil sa sinasabing food poisoning resulta ng pagkain ng macapuno candy.

Sa ngayon aniya, nasa walong estudyante ang naka confine pa rin sa Quirino Memorial Medical Center at lima dito ang inoobserbahan sa Intensive Care Unit dahil sa matinding pananakit ng tiyan, lagnat at pagsusuka.

Ayon sa ilang mga estudyante, nasa 40 ang kumain ng naturang kendi na kanilang nabili ng 10 piso kada isang pakete.

Isa umano sa kanilang posibleng sinisilip ay ang posibilidad na nagtataglay ng ‘organophosphates’, isang uri ng kemikal na ginagamit sa pestisidyo ang naturang mga ‘macapuno balls’ bagaman kailangan pa itong idaan sa masusing pagsusuri ng Food and Drugs Administration.

Hindi rin naman nila inaalis ang posibilidad na masyado lamang maraming nakain na macapuno candy ang mga bata kaya kakalap pa sila ng mga iba pang impormasyon upang mabuo ang mga pangyayari sa likod ng biglang pagsakit ng tiyan ng mga biktima.

Gagawa rin sila aniya ng mga kaukulang hakbang upang matiyak na hindi na mauulit pa na mabiktima ng food poisoning ang mga estudyante ng iba pang paaralan sa Lungsod ng Quezon. / Jay Dones

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.