Niyanig ng 5.0 magnitude na lindol ang Tokyo at iba pang bahagi ng eastern Japan.
Ayon sa Japan Meteorological Agency (JMA), ang epicenter ng lindol ay naitala sa Ibaraki at may lalim ito na 40 kilometers
Nabatid na naganap ang lindol 1:24 ng hapon, oras sa Japan.
Ayon naman sa US Geological Survey (USGS), wala naman naiulat na pinsala o nasugatan dahil sa nasabing lindol kahit pa umuga ang ilang gusali sa Tokyo.
Wala rin na-monitor ang JMA na aberya sa nuclear power facilities sa Tokai.
Bagaman walang napaulat na pinsala, pansamantalang sinuspinde ang operasyon ng bullet train sevices na “Shinkansen”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.