UPDATE: Isang barangay captain sa Calbayog, Samar & body guards nito, patay sa pananambang

By Ricky Brozas July 17, 2016 - 01:49 PM

police-line-0815Nakilala na ang dalawang bodyguard ng Brgy. Captain sa Calbayog City, Western Samar na tinambangan at napatay pasado alas onse kaninang tanghali ng Linggo.

Nabatid sa imbestigasyon ng Calbayog PNP na maliban sa napatay sa ambush na si Brgy. East Awang Chairman Francis Cano ay binawian din ng buhay ang mga body guard nito na sina Tisoy Rabi at Ramil Macato.

Ang tatlo ay lulan ng motorsiklo nang tambangan ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa Brgy. Palanas sa naturang lungsod.

Si Cano at mga kasamahan nito ay nagtungo sa Brgy. Palanas dahil doon umuuwi ang kanyang kinakasama.

Patuloy naman ang manhunt operation ng mga otoridad at pag-alam sa pagkakakilanlan ng mga pumatay kay Cano.

Nabatid na makailang beses na ring tinangkang patayin si Cano pero ito ay hindi naisasakatuparan dahilan palagi siyang nakakaligtas sa tangkang pananambang.

Isa rin siya sa mga sumuko nito lamang mga nakaraang araw sa Calbayog PNP dahil sa isyu ng droga

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.