Hacienda Binay, gawing ‘drug rehab center’ – Trillanes

By Isa Avendaño-Umali July 17, 2016 - 01:42 PM

trillanes binayInirekumenda ni Senador Antonio Trillanes IV sa Duterte administration na i-sequester ang tinatawag na ‘Hacienda Binay’ na matatagpuan sa Batangas, at gawin ito bilang pasilidad para sa drug treatment at rehabilitasyon sa mga self-confessed drug dependents.

Katwiran ni Trillanes, libo-libong mga gumagamit ng pinagbabawal na gamot ang sumuko sa mga otoridad, pero maliban dito ay wala pang ipinatutupad ang pamahalaan na programa upang matiyak na hindi na babalik sa pagdo-droga ang mga adik.

Wala rin aniyang pasilidad ang gobyerno parta i-rehabilitate ang mga drug user at pushers.

binay farm
Hacienda Binay

Bunsod nito, sinabi ni Trillanes na mainam kung i-sequester ng Duterte government ang Hacienda Binay, na ayon sa Senador ay ilegal daw na nakuha ng pamilya ni dating Vice President Jejomar Binay.

Naniniwala si Trillanes na ideal place ang mapunong Hacienda Binay para sa mga drug user at pushers na sasailalim sa rehabilitasyon at maihanda sila sa social reintergration.

Sa naunang alegasyon ni dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado, ang hacienda, na may sukat na 350-hectares sa Rosario, Batangas, ay pagmamay-ari umano ni Binay pero ginamit umanong dummy ang negosyanteng si Antonio Tiu.

Si Mercado ang testigo noon ni Trillanes laban kay Binay sa kasagsagan ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa Makati Car Park Building.

 

TAGS: hacienda binay, Senador Antonio Trillanes, hacienda binay, Senador Antonio Trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.