Pinakamataas na kaso ng HIV, muling naitala sa NCR

By Mariel Cruz July 17, 2016 - 01:18 PM

hivNananatili pa rin ang National Capital Region (NCR) o Metro Manila na may pinakamataas na naiulat na kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) simula 1984.

Batay sa pinakahuling ulat ng HIV/AIDS Registry of the Philippines-Department of Health, simula January 1984 hanggang May 2016, umabot na sa 14,718 o 43% ang kaso ng HIV sa NCR.

Katumbas ito ng 43 percent sa kabuuang bilang ng HIV case na 33,158 sa buong bansa. Sumunod sa NCR ay ang Region IV-A o Calabarzon na may 4,717 HIV cases o 14%; Region VII o Central Visayas na may 3,066 cases o 9 %; Region III o Central Luzon na may 2,830 cases o 8% at Region XI o Davao Region na may 2,025 cases o 6%.

Sa 2,547 na babaeng napaulat na tinamaan ng HIV, 647 o 25 percent nito ay mula sa NCR, 442 sa Region II; 270 sa Region VII; 235 sa Region IV-A ay 980 sa iba pang rehiyon.

Ang rehiyon na naiulat na may pinakamataas na kaso ng HIV na overseas Filipino workers o OFW ay mula rin sa NCR na umabot sa 1,521 cases. Pangunahing dahilan ng pagkaka-transmit ng virus ay ang pakikipagtalik ng lalaki sa kapwa lalaki habang ang mga babae naman ay nakukuha ito sa pakikipagtalik sa lalaking infected na.

Ang HIV ay isang virus kung saan inaatake nito ang human immune system ng isang tao.

 

TAGS: HIV, HIV

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.