EXCLUSIVE: Isang barangay captain sa Calbayog, Samar, patay sa pananambang

By Ricky Brozas July 17, 2016 - 12:36 PM

police-line-0815Patay ang kapitan ng Barangay East Awang sa Calbayog City, Samar matapos tambangan ng mga hindi pa kilalang salarin.

Sa nakuhang impormasyon ng Radyo Inquirer, kinilala ang barangay captain na si Francis Cano.

Naganap ang pamamaril pasado alas-onse kaninang umaga ng araw ng Linggo sa Barangay. Palanas, sa naturang lungsod.

Nasawi rin sa ambush ang body guard ni Cano, na hindi pa batid ang pagkakakilanlan; habang agaw-buhay sa pagamutan ang isa pang lalaki na body guard din.

Nabatid na kapwa angkas ni Cano sa kanyang motorsiklo ang dalawa niyang body guards nang mangyari ang pananambang.

Nauna nang kusang sumuko si Cano sa Calbayog City PNP dahil sa pagkakasangkot nito sa ilegal na droga sa kanyang nasasakupang lugar.

Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang krimen, at inaalam na kung may kinalaman sa ilegal na droga ang pamamaril.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.