Tiyak na ang rollback sa mga produktong petrolyo anumang araw ngayong linggo.
Batay sa Department of Energy o DOE, mas malaki ang bawas-presyo sa diesel kumpara sa gasoline at kerosene.
Tinatayang nasa 70 hanggang 80 centavos ang kaltas sa halaga ng kada litro ng diesel, habang 50 hanggang 60 centavos ang rollback sa bawat litro ng gasolina.
Sa kerosene naman, nasa 65 hanggang 75 centavos ang bawas-presyo sa kada litro nito.
Sa ngayon, inaabangan na lamang ang pormal na anunsyo ng mga kumpanya ng langis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.