Isang cargo vessel ang lumubog sa Manila Bay kaninang umaga.
Batay sa inisyal na impormasyon mula sa Philippine Coast Guard o PCG, ang barko ay naka-angkla sa Manila Bay noon pang 2011, mula nang kastiguhin ito dahil sa ilang paglabag.
Ayon naman sa mga saksi, nasa normal namang posisyon ang naturang cargo vessel hanggang sa unit-unti itong tumabingi pakaliwa.
Sa kasalukuyan ay nananatiling nakalubog ang barko.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Coast Guard kaugnay sa paglubog ng nasabing cargo vessel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
