“Pasyal-pasyal” sa oras ng trabaho bawal na sa gobyerno

By Den Macaranas July 16, 2016 - 05:35 PM SHARE(S):
duterte
Inquirer file photo

Bawal na ang mahabang lunch break, siesta at “pasyal-pasyal” sa lahat ng tanggapan ng gobyerno ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang pahayag na inilabas ng Malacañang, sinabi ni Duterte na bayad ang unang walong oras ng mga empleyado ng pamahalaan kaya wala silang karapatan na hindi ito ubusin sa trabaho.

Ayon kay Duterte, “”Bayad tayo. So pag inindian mo ang tao, wala sa opisina mo…after lunch break nasa mga mall, nagpapasyal-pasyal, pag nangyari yan uli, dismissed ka”.

Bukod sa pagkasibak sa pwesto ay mahaharap pa ang mga empleyado at opisyal na mahilig umuwi ng maaga o kaya naman ay hindi sinusulit ang oras sa trabaho.

“Technically, kayong mga taga-gobyerno, when you are not there to serve the people, you’re committing estafa. It’s not clearly defined but the act is actually swindling. It’s under Article 8 of the Revised Penal Code”, pahayag pa ng pangulo

Inatasan na rin ni Duterte si Civil Service Commission Chairperson Alicia Dela Rosa Bala na pag-aralan ng husto ang polisiya ng pamahalaan sa lunch break at ilan pang isyu na may kinalaman sa oras ng trabaho ng mga tauhan ng gobyerno.

TAGS: csc, dela rosa bala, duterte, lunch break, csc, dela rosa bala, duterte, lunch break

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.