Anti-balimbing bill inihain na sa Senado

By Den Macaranas July 16, 2016 - 05:30 PM

drilon-3Isang panukalang batas ang inihain ni outgoing Senate President Franklin Drilon na magbabawal sa pagiging “balimbing” o political turncoat ng isang pulitiko sa bansa.

Sinabi ni Drilon na nakapaloob sa kanyang Senate Bill No. 226 o Political Party System Act ang pagpapatatag sa loyalty at ideological principles ng isang partido pulitikal.

Nakapaloob sa panukala na magbabayad ng 25-percent na surcharge ang isang pulitiko na aalis sa kanyang partido bukod pa sa pagsasauli ng kanyang mga tinanggap na pondo mula sa nilayasang partido.

Sa ganitong paraan sinabi ni Drilon na magdadalawang-isip na ang mga pulitikong nakadikit sa kung sino ang nanalong partido o pangulo ng bansa.

Layunin nito na mas lalo pang mapatatag ang bawat advocacies at disiplina sa loob ng mga partido.

Magugunitang nang manalo noong nakalipas na halalan ay maraming mga kasamahan ni Drilon sa Liberal Party ang kaagad na lumayas sa kanilang political party at sumanib sa PDP-Laban ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nasa panukala rin ni Drilon ang pagbibigay ng state subsidy ng sa mga legal at kinikilala ng pamahalaan na political parties.

Sa ganitong paraan anya ay magiging pantay ang pagtrato ng gobyerno sa lahat ng partido pulitikal at hindi lamang sa tinatawag na ruling party.

Ang subsidy na ibibigay ng pamahalaan ay gagamitin bilang pondo sa secretariat, mga biyahe at pagbuo ng makinarya at pati na rin sa pangangampanya ng isang political party.

TAGS: balimbing, Drilon, political turncoat, Senate, balimbing, Drilon, political turncoat, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.