2.5 milyong Pilipino walang trabaho noong Mayo – PSA

By Jan Escosio July 08, 2026 - 04:45 PM

METRO MANILA, Philippines — Nadagdagan ang bilang ng mga Pilipino na walang trabaho noong nakaraang Mayo, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon kay National Statistician Dennis Mapa, mula sa 4.7% unemployment rate noong Abril, umangat ito sa 4.8% noong Mayo.

Nangangahulugan na, noong Mayo, may 2.5 milyong Pilipino ang walang trabaho, mas mataas kumpara sa naitalang 2.03 milyon noong Mayo 2025.

BASAHIN: Disenteng trabaho sa mga Pilipino ipinangako ni Pangulong Marcos

Ayon pa kay Mapa, sa sektor ng agrikultura ang may pinakamaraming nabawas na trabaho sa bilang na 905,000 sa loob ng nakalipas na taon.

Samantala, itinuro ng Malacañang ang pandaigdigang krisis sa langis dulot ng naging kaguluhan sa Gitnang Silangan na pangunahing dahilan ng bahagyang pagdami ng mga Pilipino na walang trabaho noong Mayo.

TAGS: Philippine Statistics Authority, unemployment, Philippine Statistics Authority, unemployment

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.