Durian candy sa Caraga, macapuno candy naman sa QC

Kuha ni Jong Manlapaz

Nasa apatnapung estudyante ng Juan Sumulong High School sa Quezon City ang isinugod sa Quirino Memorial Medical Center matapos malason sa kinain umanon ‘macapuno candy’.

Sa naturang bilang, walo ang kinailangang manatili sa naturang pagamutan dahil sa matinding pagsusuka at pananakit ng tyan.

Ayon sa ilang mga estudyante, isang lalakeng tinatayang nasa edad na 21 pataas ang pumasok sa loob ng paaralan at nagpanggap na estudyante sa pamamagitan ng pagsusuot ng uniform ng mga high school student.

Nag-alok ito ng libreng tikim ng macapuno candy sa mga bata pero kalaunan ay ibinenta na ito sa halagang sampung piso bawat pakete.

Gayunman, makalipas ang ilang minuto ay nakaranas na ang mga nakakain ng macapuno candy ng pananakit ng tiyan at pagsusuka.

Sa walong biktima na naka-confine, apat sa mga ito ang kinailangang pasok sa Intensive Care Unit ng QMMC dahil sa matinding pananakit ng tyan at pagbaba ng heart rate./Jong Manlapaz

Read more...